Walang Tulog

Walang patid ang sinag sa aking silid

Sa gabi ma’y ilaw pa rin ang nasa paligid

Pagod ay tulog at pahinga’y nag-iibayo

‘Pag ang turing na sa sarili’y makina’t di tao

Dahil kakaiba talaga ang higpit at lupit

Ng kusampalong humahagupit

Na siyang anak ng kapanagutang

Kailanma’y di magawang matalikuran

 

Tinik ang kasipagan sa mabuting kalusugan

Sa ating mundong nagmumulto ang araw

Uhaw man sa tulog, katungkula’y di tutulugan

Busog man sa antok, pagtutupdan ang pinangakuan

At paghiga sa kama’y parating n’ang liwayway

At muling babango’t iwawaksi’ng pananablaw

 

Gan’to po sa amin, sagana sa sipag

Gan’to po sa amin, salat sa tamad

Gan’to po sa amin, patay ang kalusugan

Sa harap ng kapangyarihan ng katungkulan

 

 

Leave a Comment

Filed under Uncategorized

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s