Pinitik ni Tok-An ang aking mata
“Aray, masakit, walang hiya ka!”
Ngunit sumpa ko sa sarili’y hindi pipikit
Ang manatiling mulat pinilit nang pinilit
Nguni’t tugon ng katawa’y di ko rin napigil
At daigdig ko’y dahan-dahang nilamon ng dilim
Napahilata ako sa sahig salamat sa hapdi
At wika ko’y sandali, magpapahinga lang nang sanda-
[Tilaok]
[Pagkutitap] 8:01 AM [Pagkutitap]
Last draft saved at 11:30 PM 01/05/11
Hikab.
Kusot.
Kinusot ang mata.
Hikab.
Kusot.
Gulat at kaba.
Bathalang May Kapal
Almusal na pala
